← 返回首页
亚洲 · 综合新闻 · Rappler

[EDITORIAL] Huwag kalimutan ang kuwento ng pekeng propeta: Apollo Quiboloy

来源:Rappler · 菲律宾 16 分钟前
[EDITORIAL] Huwag kalimutan ang kuwento ng pekeng propeta: Apollo Quiboloy
Rappler

详细摘要

Kailangan siyang managot, saan mang korte ‘yan mangyayari. Pero hindi ‘yan ang katapusan, dapat ding kalasin ang network at kultong nanlinlang at nagsamantala sa mga tagasunod nito.

Sa gitna ng papalapit na ICC trial ni Rodrigo Duterte at ang posibleng conviction ng anak na si Vice President Sara Duterte, sinimulan na rin ang extradition ng bespren ni Digong na si Apollo Quiboloy, ang self-proclaimed “Appointed Son of God.”

Tulad ng mga Duterte na ngayon lang nahahalungkat ang bilyon-bilyong umano’y tagong yaman, nagkamal din si Quiboloy ng multi-milyong mga ari-arian sa Estados Unidos at Canada.

Ayon sa imbestigasyon ng Rappler, nagmay-ari siya ng mga bahay na tinatantiyang P262.52 million sa Hawaii at Las Vegas. Idagdag pa diyan ang tatlong bahay na natuklasan ng Rappler — isa sa US at dalawa sa Canada — na estimated na may halagang P338 million.

Sa pamamagitan ng testimonya ni Maria de Leon sa Estados Unidos, ang insider at taga-ayos ng papeles ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), nakita ng mga otoridad sa US kung paano minanipula ng grupo ang American immigration system.

Dahil sa paperwork ni De Leon, nagpatuloy ang KOJC members sa US kung saan nagso-solicit sila ng donations para sa pekeng charity.

Pawis at dugo ng mga “children” ng kanyang “kingdom” ang dahilan bakit nakapagkamal ng yaman si Quiboloy at KOJC. Nagsipag-quit sila sa eskuwelahan, nagbenta ng ari-arian, nag-apply ng loans — para lamang makatugon sa “quota.” Pinaparusahn sila kapag hindi nakapag-intrega, at inaabandona kapag nagkasakit.

Sa harap ng pagsamba ng kanyang tagasuporta, naganap din ang sexual abuse ng mga babae at menor-de-edad na tinawag nilang “pastorals.” (BASAHIN: Quiboloy sexually abused women, minors – ex-followers, US prosecutors)

Pero ang gulugod ng invincibility ni Quiboloy ay ang patronage system ng Pilipinas — niligawan siya ng mga pulitiko para sa political endorsement. Nagsilbi silang kalasag o shield mula sa scrutiny bilang kapalit ng bloc votes at media-kuno coverage. Dito nabuo ang culture of impunity na bumalot kay Quiboloy at KOJC kung saan hindi sila maabot ng batas.

Lagpas sa political patronage, classic religious charlatan si Quiboloy — he weaponized…

文章开头,摘自Rappler。如需阅读全文,请前往媒体网站。

在 Rappler 阅读全文 登录后可收藏

MarketNews 仅展示媒体发布的标题和摘要,全文请在出版方网站阅读。 (www.rappler.com)